Bago ang lahat, pasensiya na po sa mga nagbabasa na hindi nakakaintindi ng wikang tagalog (sa bagay, malamang unang linya pa lamang ay sinara na nila ang site na ito). Ang blog na ito ay dinidedicate ko sa matalik kong kaibigan noong kolehiyo sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayon. Sa apat na taon sa kolehiyo, limang beses sa isang linggo, halos buong araw magkasama, sobrang dami naming mga alaala na naiwan sa isa't-isa. Kung di ako nagkakamali, nakilala ko si Jeulia sa kadahilanang nalate ako sa unang araw ng pasukan. Akalain mong may naidudulot din pala ang pagiging late kung minsan. hehehe. Umupo ako sa natitirang silya na malapit sa inuupuan ng mga naging matatalik kong kaibigan at isa na dun ay si Jeulia. Simula noon, nagsimula ang aming pagkakaibigan.
Hindi namin inaakala na magiging magkasundo kami sa halos lahat ng bagay. Nagkakasundo kami sa opinyon, saloobin, hinanaing at panghuhusga sa mga bagay-bagay. Minsan isang tingin lang namin sa isa't-isa, nalalaman na namin ang nasa isip ng bawat isa. Laking tuwa siguro ng mga magulang namin na sa dami ng opinyon na aming naiisip ay hindi kami naging mga aktibista ng unibersidad. Kahit ganon pa man, ayaw namin maapektuhan ang aming pagaaral. At alam na naman namin na walang napapala ang mga nakikirally at nagboboycot ng mga klase.
Sa loob ng classroom, tahimik lang pero ubod ng talino si Jeulia. May mga tao talaga na pinanganak na sadyang matalino na. Kahit hindi mag-review, mataas ang mga nakukuha niyang marka. Gifted child. Batang Bona Kid. hehehe. Sa labas na kaanyuan, napakasimple lang niya. Walang arte sa katawan. Hindi siya mahilig sa mamahaling bagay. Mas importante na mabusog at makakain ng masarap. Favorite food: chicken strips ng KFC, na may extra rice at bumabaha ng gravy!
Sa murang edad, maraming pagsubok ang dumating sa kanya (alam mo na yun). Humanga ako sa tapang niya at hindi niya pagsuko. At bilang kaibigan hindi rin ako sumuko sa pagsuporta. Ngayon, masaya ako na maayos na ang lahat. Ang bait ng Diyos talaga sa mga taong may mabubuting kalooban. (Ito na ang part na iiyak ka mare.hehe.babaw ng luha)
Ang layunin ng blog na ito ay gusto ko lang ipaabot sayo Mare na hindi kita nakakalimutan kahit kailan. Hindi ko rin nakakalimutan na inaanak ko ang panganay mong si Jeuliana. Alam ko marami na kong utang.hehe. Alam ko magkikita din tayo ulit pero sa ngayon, ilista mo nalang muna sa papel. hehe.
Maligayang Kaarawan Mare! Sana nagustuhan mo tong simple kong regalo para sayo. Effort din pala magtagalog. char! Pero ok lang kasi para naman sayo. I love you!
PS: Mare, fan ka pa rin ba ng Chicosci? nasaan na sila? hehehe. Rock n roll!
xoxo,
Joselle